Chapter 10
Phantom gising!! Wika ni Ms Diaz.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang tinatakpan ng kumot ang katawan niya, nakaupo siya at nakasabog ang buhok pero napaka ganda pa rin niya.
Niyakap ko siya at muling pumikit.
Ui gumising ka muna, phantom!! Ulit ni Ms Diaz.
Minulat ko ang mga mata ko at umupo sa tabi niya.
Ohh bakit mahal ko? May problema ba? Tanong ko.
Samahan mo naman ako ihing ihi na ako. Sagot ni Ms Diaz.
Tumayo ako at nagpunta sa pinto ng kwarto ko, nanatili siyang nakaupo sa kama ko.
Ohh tara na samahan kita sa cr. Yaya ko sa kanya.
Baka gusto mo muna magshort man lang baka makita tayo ng nanay mo ganyan ang itsura mo. Biro ni Ms Diaz.
Dahil sa antok nawala sa isip ko na wala nga pala akong saplot, mabilis ko hinanap ang short ko at sinuot ito.
Okey na toh tara, yaya ko Kay Ms Diaz.
Pahiram naman ng towel mo, maglilinis na rin ako ng katawan. Sabi ni Ms Diaz.
Inabot ko ang towel ko at inihatid siya sa cr, bumalik ako sa kwarto at inayos ang sapin ng kama ko, nakita ko ang natuyong dugo at tamod namin sa sapin ng kama, agad ko itong inalis
at pinalitan ng bago.
Bumalik ako sa sala namin upang hintayin si Ms Diaz na makalabas sa banyo.
Binuksan ko ang TV at nanood muna ako ng HBO.
Tinignan ko ang oras 2am na pala, napasarap ang pagtulog namin at hindi namalayan ang oras.
Ilang minuto pa ay lumabas na sa cr si Ms Diaz, tumabi siya sa akin at yumakap.
Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? Tanong ko.
Oo medyo nagugutom na ako. ikaw kasi pinagod mo ako kaya hindi tuloy tayo nakapag hapunan. Sagot Ni Ms Diaz.
Ikaw pa napagod? Nakahiga ka nga lang ii. Biro ko.
Ahh ganon? So napapagod ka pala,? Sige yun na ang 1st and last mo. Banta ni Ms Diaz.
Joke lang ano ka ba, hindi naman ako napagod, bawi ko.
Oh siya sige na! Tignan natin kung ano makakain sa kusina niyo. Sagot ni Ms Diaz.
Naglakad kami at naghalungkat ng pwedeng makain sa kusina.
Malas lang dahil yung ulam nasa ref na tapos walang kanin.
Tara sa labas nalang tayo kumain, yaya ko.
Hello 2am na saan naman tayo kakain? Tanong ni Ms Diaz.
Magtiwala ka lang, promise masarap doon. Sagot ko.
Okey sabi mo ii. Sagot ni Ms Diaz.
Nagbihis muna ako at lumabas kami ng bahay, maswerteng may napadaan na tricycle at nagpahatid kami sa tapsihan.
Manong magsasakay kayo hanggang sa Papa arts? Yung tapsihan makalampas sa tulay ng San Antonio. Tanong ko.
Opo sir, Tara na, sagot ni manong driver.
Sumakay kami ni Ms Diaz sa tricycle, habang binabagtas namin ang daan papunta sa tapsihan, biglang nagtanong si Ms Diaz sa akin.
Phantom, mahal mo ba talaga ako?
Oo naman bakit mo naman naitanong yan? Sagot ko.
Kasi sayo ko palang binigay ang puri ko, sana huwag kang magbago, sana ganyan ka pa rin, at yung usapan natin kanina tuparin mo huh!! Sabi ni Ms Diaz.
Relax ka lang okey, seryoso ako sayo, hinding Hindi mo pagsisihan na saa akin mo ipinagkatiwala ang buhay mo. Tungkol sa pangako ko, oo tutuparin ko yun, sa Monday gumawa tayo ng joint account para makapag ipon na tayo sa kasal natin. Sagot ko.
Maluha luha si Ms Diaz sa mga narinig niya mula sa akin, totoo lahat ng pangako ko sa kanya. Siya talaga ang gusto kong makasama habang buhay.
Nakarating kami sa tapsihan at umorder ng specialty nila na T-bone, extra rice at soft drinks.
Naupo kami malapit sa pintuan ng kainan at masaya kaming nagkwentuhan ni Ms Diaz, nang may maramdaman akong lumapit sa table namin ni Ms Diaz.
Lilingunin ko na sana ng marinig ko silang sabay-sabay na nagsalita.
GOOD!!!! EVENING!!! TEACHER PHANTOM!!!!!
Sabay tawanan ng malakas.
Nilingon ko at nakita kong mga kababata ko pala ang mga loko-lokong yun.
Mga tanga good morning dapat 2am na ohh, Biro ko.
Nagkatawanan silang lahat pati si Ms Diaz napatawa sa kalokohan ng mga kaibigan ko.
Nga pala Ms Diaz si Robert, si John, si Aries, si reccel at si apeng. Mga tol si Ms Diaz girlfriend ko.
Naknang tokwa phantom bangis mo naman!! Ganda ng jowa mo. Biro ni Aries.
Miss anong gayuma ginawa sayo nito ni phantom at napasagot ka, singgit ni Robert.
Ngiti lang ang sinukli ni Ms Diaz sa kanila.
Miss pasensorry na sa mga toh ganito talaga kami magkakaibigan kung magbiruan. Wika ni reccel.
Teka tol bakit may tahi yang pisnge mo? Ano nangyari diyan? Tanong ni john
Wala toh next time na natin ito pag usapan,
Teka kumain na ba kayo? Tanong ko.
Aba si teacher phantom manlilibre ata, biro ni Robert.
Oh sige sagot ko softdrinks biro ko sa kanila.
Wow anak ka pa rin Ni Cory (kuripot) Biro ni Aries.
Pagtyagaan na yun hahahaha sagot ni Robert.
Sige pre tuloy lang namin pagkain namin, sige po miss pasensya na sa mga kasama ko Paalam Ni Aries.
Lumapit ako sa counter at umorder ng dalawang litrong coke para sa mga tropa ko.
Dumating na din ang order namin Ni Ms Diaz.
Habang kumakain kami kinausap ko si Ms Diaz.
Pasensya kana sa mga kaibigan ko, ganyan lang yan magugulo, pero mababait yan mga yan. Sabi ko.
Okey lang ano kaba natakot lang ako nung papalapit sila akala ko may gagawing masama sa atin, ee Bibiruin ka lang pala.sagot Ni Ms Diaz.
Naku ganyan talaga yang mga yan, malakas man trip. Sabi ko.
Alam mo phantom naiinggit nga ako sayo kasi ikaw may kaibigan ka na kagaya nila, samantalang ako mga kapatid ko lang ang kaibigan ko. Wika ni Ms Diaz.
Bakit naman wala ka bang naging kaibigan sa kapitbahay niyo? Tanong ko.
Wala, bawal kasi akong lumabas noon, alagang alaga ako ni papa, college nga ako sinusundo pa ako. Mahigpit kasi si papa sa amin, kaso nung mamatay siya graduate na ako ng college, kaya Hindi na ko nakahanap ng matatawag ko kababata, kwento nii Ms Diaz.
Ang lungkot pala ng kabataan mo, ako kasi laking kalsada at yang mga yan ang kasama ko. Lahat nang larong bata nagawa namin. Sagot ko.
Kaya nga sana pag nagkaanak tayo huwag mo pagbabawalan makipaglaro sa kapwa niya bata, ayokong lumaki ang anak natin na kasing lungkot ng kabataan ko. Sabi ni Ms Diaz.
Sige bilisan mo ng kumain, para magawa na natin ang panganay natin para makipaglaro na agad sa ibang bata. Biro ko.
Sira ulo ka talaga, mahapdi pa nga itong ano ko, bakit ba kasi napaka laki niyang alaga mo hihihi Biro Ni Ms Diaz.
Ee pinaglihi daw kasi ako sa kabayo kaya ganito ito kalaki. Biro ko uli.
Ano ka ba, baka may makarinig sa atin, sabihin nila teacher pa naman tayo tapos mahalay tayong mGsalita. Sabi ni Ms Diaz.
Yaan mo sila, bakit tao din naman tayong mga teacher ahh. Depensa ko.
Kahit na. Sagot ni Ms Diaz.
Matapos kami kumain ay binayaran ko na ang bills namin at nagpaalam sa mga kaibigan ko, sumakay kami ng tricycle at muli kami bumalik sa bahay namin.
Pumasok kami sa kwarto ko at nahiga muling magkayakap.
Hindi namin namalayan na nakatulog na pala uli kami.
Anak!! Anak!! Gising may tao dito sa labas hinahanap ka. Sabi ng nanay ko.
Dahan-dahan akong bumangon ngunit sadyang mababaw matulog si Ms Diaz kaya nagising siya.
Saan ka pupunta? Tanong niya.
May tao daw sa labas hinahanap ako titignan ko lang muna kung sino, matulog ka muna. Sabi ko Kay Ms Diaz.
Lumabas ako at nagulat ako kung sino ang naghahanap sa akin...
Chapter 11
Good morning po sir, bati ni Stephanie at tintin.
Goodmorning din, pasok kayo. Sagot ko.
Sir kasama po namin si tito billy, nasa labas po siya. Sabi ni tintin.
Papasukin niyo rin at maghihilamos lang ako. Sabi ko.
Mabilis akong naghilamos at bumalik sa sala, nakita ko nakaupo na silang tatlo sa sofa. Medyo kinakabahan na ako sa pakay nila.
Nag breakfast na ba kayo?Bungad ko.
Tapos nna po sir. Salamat nalang. Sagot nila.
Kuya billy ano po ba ang sadya niyo? Tanong ko.
Sumadya talaga kami dito, para tanungin sana namin baka alam mo kung nasaan si bunso, Hindi kasi siya umuwi kagabi, nag aalala na kami, Hindi naman niya ito ginagawa dati. Pag aalalang tanong ni kuya billy.
Ang totoo niyan kuya billy nasa kwarto siya natutulog, dumalaw kasi siya kahapon sa akin, teka gisingin ko lang. sagot ko.
Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat, pero iba sa mukha ni Stephanie, halatang nagseselos siya.
Bumalik ako sa kwarto ko at ginising si Ms Diaz.
Gising!!!! Nasa labas si kuya billy hinahanap ka. Sabi ko.
Patay!! Di ako nakapag paalam, low bat na kasi phone ko. Sagot Ni Ms Diaz.
Ako man ay kinakabahan sa pwedeng mangyari. Pero kailangan naming lumabas at harapin si kuya billy.
Lumabas kaming magka hawak ang kamay at hinarap si kuya billy.
Bunso naman nandito ka lang pala kila Mr Phantom sana naman nagpaalam ka para hindi kami nag alala, papayagan ka naman namin ahh. Sabi ni kuya billy.
Sorry kuya kung nag alala kayo sa akin, nalowbat kasi cellphone ko kaya Hindi ako nakapagtxt. Sorry talaga. Sagot Ni Ms Diaz.
Sige next time bunso magpapaalam kapag aalis huh! Anong oras ka ba makakauwi? Tanong ni kuya billy.
Pauwi na rin ako, mag breakfast lang muna bago kami umuwi. Sagot Ni Ms Diaz.
Oh sige naabala ko pa tuloy itong classmate ni tintin dahil siya lang daw may alam kung saan ka nakatira Mr Phantom. Sagot ni kuya billy.
Tumingin ako Kay stephanie, nakayuko siya at halata sa kanya na hindi niya nagugustuhan ang nangyayari, binaliwala ko ito dahil may kaba pa rin ako sa dibdib sa pagkakatulog ni Ms Diaz sa kwarto ko magdamag.
Bunso Mr phantom una nakami, paalam nni kuya billy.
Hinatid sila ni Ms Diaz hanggang sa gate at nakita ko na may sinasabi pa si kuya billy kay Ms Diaz.
Lumabas ako upang makinig sana ng pag uusap nila, ngunit mabilis na sumakay sa kotse si kuya billy at umalis na.
Sinalubong ko si Ms diaz at tinanong kung ano sinabi sa kanya ni kuya billy.
Halata sa mukha niya ang pangamba, tumitig siya sa akin at sinabing.
ihatid mo ako sa bahay pag uwi ko, may pag uusapan daw tayo, kasama ka, wika ni Ms Diaz.
Galit ba si kuya billy? Tanong ko.
Medyo.. Matipid na sagot ni Ms Diaz.
Bumalik kami sa loob ng bahay namin at inabutan namin na nandoon sa sala ang ate ko, nanay at tatay ko.
Kumain na muna kayo nakahanda na ang agahan, bati ng nanay ko.
Sabay sabay na po tayo, sagot ko.
Tinawag ng nanay ko ang dalawa ko pang kapatid at Sabay sabay kami kumain.
Kumain kami, at pinakilala ko sa Pamilya ko si Ms Diaz.
Nay, tay, mga tol girlfriend ko na nga po pala si Ms Diaz, wika ko.
Halata sa muka nila ang pagkabigla na parang Hindi naniniwala.
Anak kumain kana gutom lang yan, biro ng tatay ko.
Oo Nga kuya, kape gusto mo? Pampagising. Dagdag ng kapatid ko babae.
Nagtawanan silang lahat at pati si Ms Diaz nakikitawa na rin.
Totoo po na girlfriend na po ako ni Phantom, putol ni Ms Diaz sa tawanan.
Aba iha sigurado ka na ba? Napaka ganda mo para kay Phantom, tanong ng nanay ko.
Opo sigurado na po ako. Masayang tugon ni Ms Diaz.
Aba anak sana naman ee alagaan mo itong si Ms Diaz, magbigayan kayo ng mahabang pasensya sa isat isa. At huwag sanang mangyari uli ang ginawa mo noon. ( nasa college life ang sagot sa sinabing yun ni nanay)
Oo nga kuya, mukhang mabait naman itong si Ms Diaz. Hindi kagaya ni ate Rina. Sabi ng kapatid ko.
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.
Matapos kami kumain ay nanood muna kami ng TV kasama ang mga kapatid ko, nakipagkwentuhan at nakipagtawana muna kami, para kahit papaano ay makapag handa ako sa pagharap sa pamilya ni Ms Diaz.
Anong oras tayo pupunta sa inyo? Tanong ko kay Ms Diaz.
Tanghalian daw sabi ni kuya billy, kapag Sunday kasi, nagppicnic sa compound namin. Sabi ni Ms Diaz.
Lalo akong kinakabahan, dahil parang marami akong tanong na dapat sagutin sa pamilya ni Ms Diaz.
11:30 nang umalis kami sa bahay para harapin na ang pamilya ng banaeng mahal ko.
Dumaan muna kami sa andoks upang bumili ng dalawang buong manok, dumaan din kami sa grocery store para bumili ng soft drinks. Bago kami nagpasyang magtungo sa bahay nila Ms Diaz.
Sumakay kami ng tricycle at nagpahatid kila Ms Diaz.
Habang papalapit kami sa kanila, lalong lumalakas ang mga dagundong sa dibdib ko.
12:30 ng makarating kami sa kanila, pumasok kami sa gate at nakita ko lahat ng kapatid, pamankin at ilang pinsan ni Ms Diaz na abalang naghahanda sa mesa.
Lalo akong kinabahan ng titigan nila kami, pakiramdam ko ako ang ihahain sa mesa at lalantakan ng mga gutom na tigre.
Nanibago ako sa mga kilos nila, walang kahit sino ang nagbibiro sa amin na dati na nilang ginagawa, maski si tintin na varcity ko ay nakayuko lang at abalang naghihiwa ng mangga.
Ayos ahh parang napaka samang tao ko na sa mga titig niyo, masungit na wika ni Ms Diaz
Nakasunod lang ako kay Ms Diaz sa paglalakad papunta sa bahay nila.
Binuksan niya ang pinto att pumasok kami sa loob, ilang hakbang pa lamang ng biglang Ppppaaaaccckkk!!!!"
isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Diaz na sobrang ikinagulat ko. Tumakbo palapit sa kanya ang mga kapatid niya at hinila palabas si Ms Diaz. Ako naman ay hinawakan sa balikat ni kuya billy at inilayo.
Punyeta kang bata ka, Gawain ba ng matinong babae yan, matulog sa bahay ng lalaki? Sigaw ng babae sa loob ng bahay nila Ms Diaz, na napag alaman ko na nanay pala niya.
Mas lalong tumindi ang tensyon nang lumabas sa bahay ang nanay ni Ms Diaz.
Nasaan yang lalaking yan? Hanap sa akin ng nanay ni Ms Diaz.
Ma!! Ano ba!! pano natin maayos ito kung ganyan ang ipapakita niyo sa kanila, awat ni ate celia.
Mabuti na yung ganito, para makita nilang mali ang ginawa nila, naturingang mga guro yan mga yan, ayaw kumilos ng wasto Sigaw ng nanay ni Ms Diaz.
Sinubukang hanapin ng mga mata ko si Ms Diaz. Nakita kong umiiyak siya at yakap ni ate mely. Sobrang naawa ako sa itsura niya, kung pwede lang sanang ako na lang yung sumalo ng sampal att hindi na siya, gagawin ko huwag lang masaktan si Ms diaz.
Pinaupo ako ni kuya billy habang nag iihaw siya ng isda.
Phantom pasensya kana huh! So rang protective lang talaga si mama diyan Kay bunso. Sabi ni kuya billy.
Naintindihan ko naman po ang mama niyo. Sagot ko.
Ano ba yang dala mo bakaa gusto mo munang ibaba, wika ni kuya billy.
Nawala na sa isip ko yung manok na dala ko at softdrinks, dahil sa pagkagulat sa nangyari.
inabot ko Kay kuya billy ang plastik at kinuha naman niya ito at pinahanda sa kanyang asawa.
ilang minuto ang lumipas at naihanda na mesa, tinawag na ang lahat ng kamag anak ni Ms Diaz para makakain na.
Pinalapit ako ni kuya billy sa table, hinanap agad ng mata ko si Ms diaz, subalit Hindi ko siya makita.
Nanatili akong nakatayo at tahimik na nakatingin sa kanila, nang may biglang humawak sa mga kamay ko at isinandal ang ulo sa balikat ko.
Okey ka lang ba? Pasensya kana Kay mama old passion kasi yun. Sabi ni Ms Diaz.
Okey lang, naiintindihan ko naman siya, natutuwa pa nga ako dahil sobrang special ang turing nila sayo. Sagot ko.
Umupo kami magkatabi ni Ms Diaz at namayani ang katahimikan sa table na yun. Walang may lakas ng loob magsalita lalo na nang dumating ang nanay ni Ms Diaz.
Alam kong parating palang ang mas malaking unos na kakaharapin ko. Nag-isip akong mabuti sa mga isasagot ko na posibleng itatanong nila.
Nagsimulang kumain ang lahat at nanatiling tahimik, kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko kumain bilang paggalang sa mga taong nasa harapan ko.
Kagaya ko kaunti lang ang nakain ni Ms Diaz.
Matapos kumain ay biglang nagsalita ang mama ni Ms Diaz.
Mga anak pumasok kayong lahat sa bahay at may mahalaga tayong pag uusapan, kasama ka Mr phantom. Malumanay na wika ng mama ni Ms Diaz.
Naiwan ang mga pamankin at asawa ng mga kapatid ni Ms Diaz nanagliligpit at sabay sabay kami pumasok sa tahanan ni Ms Diaz.
Umupo kaming lahat sa sala at hinila ng mama ni Ms Diaz ang isang upuan sa gitnang bahagi ng sala at doon siya umupo.
Nanatiling magkahawak ang kamay namin ni Ms Diaz.
Bunso kailangan namin ng paliwanag galing sa inyong dalawa kung bakit Hindi ka umuwi kagabi at doon ka pa natulog sa bahay ng lalaking yan, sabi ng mama ni Ms Diaz.
Mama, mga kapatid ko boyfriend ko na po si Phantom, dinalaw ko po siya kahapon dahil di ba po kakagaling niya lang sa ospital, nawili po kami sa kwentuhan at hindi na namin napansin ang oras, hindi na po ako umuwi dahil delikado nang umuwi kapag ganong oras, magpapaalam naman po sana ako sa inyo kaso nalowbat po ang cellphone ko, pagsisinungaling ni Ms Diaz na Hindi ko ikinatuwa.
Pero ganon talaga ang buhay, minsan kailangan mong magsinungaling para sa maiwasan ang gulo.
Anak alam mo namang Hindi magandang tignan sa isang babae na matulog sa bahay ng lalaki, teacher ka pa naman, ano nalang sasabihin sayo ng mga istudyante mo kapag nalaman na ang guro nila nakikitulog sa bahay ng lalaki? Wika ng mama ni Ms Diaz.
May punto ang mama ni Ms Diaz hindi talaga maganda makitulog ang babae sa bahay ng lalaki, oo nung panahon nila Hindi maganda yun, pero sa panahon ngayon normal na lang sa mga kabataang babae ang makitulog at magsix sa bahay ng lalaki.
Mr phantom pwede bang marinig namin ang side mo, lalaki din ako alam ko kapag nakitulog ang babae sa bahay ng lalaki hindi maiiwasan lumampas sila sa limitasyon nila, gusto lang sana naming makasigurado sa bunso namin. Mahinahong tanong ni kuya billy.
Huminga ako ng malalim at sinagot ng buong katapatan ang tunay kong layunin sa bunso nila.
Mahal ko po ang bunso niyo, wala po sa plano ko ang saktan siya, masyado pong mabilis ang mga naging plano namin. Kagabi po kasi napag usapan namin na gumawa ng joint account para makaipon at mapaghandaan ang kasal namin. Napag usapan po namin na dalawang taon po mula ngayon magpapakasal kami. Gusto ko pong maging tapat sa inyo, tungkol po sa paglampas sa limitasyon namin, opo lumampas po kami sa dapat na hangganan namin. Sana po pagkatiwala niyo po sa akin ang bunso ninyo, hinding-hindi ko po sasayangin ang pagmamahal na ibinibigay ng bunso niyo sa akin, pangako po na hinding-hindi siya luluha sa mga kamay ko, gagawin ko po ang lahat ng magagawa ko para mapangiti siya araw-araw. Wika ko.
Masyadong mabulaklak ang dila mo iho, tandaan mo sana na ang dila ng tao ay walang buto. Walang tibay na aasahan sa mga sinasabi nito. Kaya mas mabuting ipakita mo nalang at gawin mo ang mga pinapangako mo. Sagot ng mama ni Ms diaz.
Mama mabuting tao si Phantom, sana naman po magtiwala kayo sa amin. Naging mabuti po akong anak sa inyo, sinunod ko lahat ng gusto niyo, sana naman po kahit ngayon lang hayaan niyo ako na magdesisyon para sa sarili ko sabi ni Ms diaz
Bunso hindi ka naman namin, hahadlangan sa kagustuhan mo, nandito kami para gabayan ka. Bilang nakakatanda sayo ayaw namin mapasama ka. Sa nakikita naman namin, masaya ka sa piling ni Mr phantom at mukha din namang mabuting tao siya. Kahit may kabilisan ang mga desisyon niyong dalawa, gusto kong malaman niyo na sinusuportahan ko ang relasyon niyo. Basta phantom ipangako mo na hinding hindi tutulo ang luha ng bunso namin dahil tayo. Wika ni kuya billy.
Opo kuya billy asahan niyo po ang pagiging tapat ko sa bunso niyo. Sagot ko.
Oh siya party na, kuya billy may alak pa ako sa bahay inuman na para kay bunso. Biro ni kuya nestor.
Puro kayo alak, ikaw nga nestor tumigil tigil ka sa kakaalak mo at katirikan pa ng araw. Awat ng mama ni Ms diaz.
Naging maayos ang pag uusap namin at nauwi sa biruan ang seryosong usapan namin.
Para akong nabunutan ng sibat sa dibdib matapos nila akong tanggapin na maging kasintahan ng bunso nila, sobrang saya ko ng mga oras na iyon. Parang ayoko ng matapos pa ang mga sandaling masaya kami ng pamilya ni Ms diaz.....
No comments:
Post a Comment