Sunday, August 9, 2015

Tagalog Sex Stories - James Telinvi - Part 1

James Telinvi
by Mondane Domob

Babala: Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga hindi kaaya-ayang mga salita na maaaring hindi tanggap ng inyong paningin, pandinig, pang-amoy, pakiramdam at panlasa. Kung may pang-anim kang pandama, wala na ako doong pakialam. Ang mga pangalan, lugar, pangyayari at istorya na inyong mababasa ay kathang isip lamang, kung didibdibin niyo ang mga nakalagay dito ay wala na ako doong pakialam. Nagkataon lang ang lahat kaya huwag kang assuming na ikaw ang tinutukoy sa kwento. Just sitback relax and enjoy.

Prologue

"Sa bayan kung saan talamak ang krimen at kurapsyon. Kung saan bulag, tamad at walang pakialam ang batas. Kung saan kinalimutan na ng lipunan ang salitang disiplina. Kung saan libangan na ng tao ang pangungutya. Ang bayan na nilamon na ng yaman at kapangyarihan. Ito ang aking bayan. Paano ko ba ito babaguhin? Matagal na kong nagsimula sa aking sarili ngunit walang gustong sumunod. Dapat ko ba silang pilitin? O maghihintay na lang ako na dumating ang panahon na maintindihan nila ang dapat nilang gawin?"


Ayan ang mga salitang nananalaytay sa isipan ni Telinvi habang siya ay nakatayo sa tuktok ng pinakamataas na gusali sa kanilang lungsod. Nakatingin siya sa mga magkakadikit na sasakyan na animo'y mga langgam na nag-uunahan. Inaaliw ang sarili sa iba't ibang kulay ng mga ilaw sa mga bahayan, gusali at lansangan. 

Umiling siya at tumingin sa kawalan. Punong puno ng katanungan sa isipan. Walang anu-ano'y tumalon siya sa tuktok ng gusali. Mabilis siyang bumulusok, nakapikit at tila naghihintay na lang na lumapat ang kaniyang katawan sa lupa.

Chapter 1

"James! James! Hoy! James!"
Napapitlag si James sa tawag ng kaniyang kaibigan at kababata na si Tisoy. Nakaupo sila sa isang upuan ng Lumeta Park. Pinapanuod ang mga taong nagdaraan. Tinitingnan ang iba't ibang tanawin sa paligid, mga batang naglalaro, mga magkasintahang nagde-date, mag-anak na nagpipiknik at mga vendor na nagkalat sa paligid.
"Ha? Bakit? Bakit ba tawag ka ng tawag?" si James.
"Pano eh kanina ka pa tahimik tapos nakatulala. Kala ko na-istroke ka na eh." sagot ni Tisoy. 
"Eh iniisip ko kasi kung bakit may butiking pasay. Bakit hindi butiking davao? O kaya butiking new york? Pwede ring butiking pasig? Bakit pasay?" mahabang tanong ni James.
"Ha? Anu ba yang mga pinagsasasabi mo? Aning ka ba? Tara na ngang pumasok at late na tayo. Kanina pa nagtetext si Bernard." yamot na sabi ni Tisoy.

Sa di kalayuan ay mayroong nagmamasid, dalawang lalaki na mukhang palaboy. Nakatingin sa hawak na cellphone ni James. Sumunod ito sa kanila at ng makahanap ng tiyempo ay biglang hinablot ang mamahaling cellphone ni James. Dagliang tumakbo ang dalawang snatcher subalit mabilis namang nahawakan ni Tisoy sa damit nito ang isa. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay bigla na lang lumapat sa kaniyang mukha ang kamao ng snatcher, bagsak siya sa lupa, mabilis siyang bumangon upang habulin pa din ang mga ito. Subalit pinigilan na siya ni James.
"Pabayaan mo na yun bro, cellphone lang naman yun. Magkakabili naman ako ulit non." si James.
"Hindi bro, gamit mo yun eh. Matagal mo yung pinag-ipunan tapos nanakawin lang nila?" galit pa rin si Tisoy.

Nakatingin lang sa kanila ang mga tao sa paligid. Walang may gustong makialam. Puwedeng natatakot, nahihiya o sadyang wala lang talaga dahil wala naman sila doong kinalaman. 

Patuloy pa rin sa pagtakbo si Jobert at Mario. May apat na kalalakihan ang nakasuot ng tsalekong itim, sumbrerong itim at may hawak na batuta habang pumipito at humahabol sa dalawa. Hindi lumilingon, habol ang hininga, parang puputok na ang kanilang dibdib. Pumasok sa isang eskinita. Muling lumabas sa kalsada. Tumawid at nakipagpatentero sa mga dumadaang sasakyan. Tumingin sa likod at ng mapagtantong wala ng humahabol sa kanila ay huminto na sila sa ibaba ng isang tulay. Humihingal, nagkatinginan at biglang nagtawanan.

"Hahahahahaha!" "Jackpot tayo pre" si Jobert. 
"Bakit?" tanong ni Mario. Tinanggal ang takip ng cellphone upang alisin ang sim card, may nakaipit na pera na aabot ng halos limang libo. Namimilog ang mata ng dalawa dahil sa nakuhang pera.
"Langya, ayos na ayos to. May cellphone na tayo, may kasama pang pera. Mayaman na tayo! Hahahaha." hindi maitago ni Jobert ang galak. Ibinulsa nila ang cellphone at pera.

Papanhik na sana ang dalawa sa taas ngunit nakasalubong nila ang isang lalaking malaki ang tiyan. Kulay asul ang damit, may nakasulat na "PULIS" sa likuran. Nakangisi sa kanilang dalawa. Balak pa sanang tumakbo pabalik ni Jobert subalit pinigilan siya ni Mario. Alam kasi niya na kapag tinakasan nila ang pulis na ito ay tiyak na magagalit ito at ha-huntingin sila. Na madalas niyang nasasaksihan sa mga batang mandurugas na tinatakbuhan ang matabang pulis na ito ngunit kalaunan ay nahuhuli rin sila at pinapahirapan.

"Hehehe, mukhang dumale na naman kayong dalawa ah. Ano na naman ang tinira nyo?" si Brando, ang pulis na nakadestino sa lugar na iyon upang manghuli ng masasamang loob. Dahil ayaw na ni Mario ng gulo o masangkot sa gahamang pulis ay inilabas na niya kaagad ang nakuhang cellphone. "Ayos ah, mukhang mamahalin to. Magkano kaya itong mabebenta?" ang pulis, habang hawak at sinusuri ang bawat sulok ng nakaw na cellphone. 

Naglakad-lakad pa ito paikot sa dalawang bata habang nagsasalita, pagkatapos ay biglang huminto sa tabi ni Jobert, umakbay tsaka bigla itong sinikmuraan. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung ginagago ko!" malakas at matigas na ibinulong nito kay Jobert.
"Nasaan yung pera?" tanong ng pulis. 
"Wala p..Arrgk!" hindi na natapos ni Jobert ang sasabihin sapagkat muli na naman niyang naramdaman ang kamao nito. Dagli-dagli namang lumapit si Mario kay Jobert at kinuha sa bulsa nito ang perang nakuha nila sa cellphone. 
"Eto boss, eto po yung pera." si Mario, nanginginig pa ito habang iniaabot ang pera.
"Ito na ba lahat? Baka may tinatago ka pa diyan." lumapit ang pulis kay Jobert upang tsekin ang mga bulsa nito. At ng walang makuha.
"Hehe, ikaw kasi eh, gusto mo pa ng nasasaktan ka. Sa susunod alam mo na kaagad ang gagawin at ng hindi ka nasasaktan ah." hinimas-himas pa nito ang ulo ng namimilipit na si Jobert sabay talikod at umalis na nakangisi. Parang bula na mabilis naglaho ang pulis sa lugar na iyon.

Bumalik ang mga tanod kila James at Tisoy upang ipaalam na hindi na nila inabutan ang mga snatcher. Sinabihan na lang sila ng mga ito na magpunta sa barangay hall upang maipa-blotter ang nangyari. Pagdating nila doon ay inabutan nila si Kapitan. At doon na nga nila isinalaysay ang nangyari.

"Ano ba naman kasi ang ginagawa niyo doon sa park at naglabas pa kayo ng mamahaling cellphone? Sa susunod kasi huwag kayong gumagamit ng cellphone sa mga pampublikong lugar para hindi kayo nai-snatch-an." panenermon ni Kapitan Ambo. "Kayo rin ang may kasalanan niyan eh. Yung isang ale kanina nagrereklamo din, nahablot daw yung suot niyang hikaw at kuwintas. Ikaw ba naman, aalis ka ng bahay nakahikaw at kuwintas ka pa? Buti yung relos niya hindi nakuha." dugtong pa ng kapitan.
"Tsaka sa susunod, kapag may nang-agaw sa gamit niyo huwag na kayong lumaban. Pabayaan niyo na lang na kuhanin nila gamit niyo, total gamit lang naman iyan. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo. Nagmatapang ka pa kasi eh, buti iyan lang ang inabot mo." patuloy pa rin si kapitan. Nagkatinginan na lang ang magkaibigan at hinintay na magsawa si kapitan sa sermon nito. 

Pagkatapos ng ilang oras na pakikinig sa sermon at paninisi ng kapitan ay nagpaalam na ang magkaibigan. Dumiretso na sila papuntang eskuwelahan at nagkibit balikat na lang.
"Bugok din si kapitan eh noh? Tayo na nga nanakawan tayo pa ang pinagalitan." sabi ni Tisoy. "Tapos kapag daw may nang-agaw ng gamit mo ibigay mo na lang? Bugok ba siya? Magkakamatayan muna kami bago niya makuha gamit ko." dugtong pa nito. 
"Tama naman yung sabi ni kapitan, kapag ganun ibigay mo na lang. Kaysa naman masaktan ka o pinakamalala mapatay ka pa dahil lang doon. Puwede mo namang palitan yung gamit na yun." si James. 
"Nakuw, ayan ka na naman eh. Tapos dapat daw huwag nagsusuot ng mga alahas kapag umaalis ng bahay. Bugok ba siya talaga? Eh san gagamitin yung mga alahas? Ipangdidisplay lang sa loob ng kabinet? Tungkulin nila na pangalagaan tayo hindi yung pagbabawalan tayong magsuot at gumamit ng mga gadgets at alahas." katulad ni kapitan kanina, hindi rin matigil ang bunganga ni Tisoy. Patuloy sila sa paglakad, patuloy rin sa pagsasalita.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment