Chapter 7
Lumingon ako at nakitang si Ms diaz pala ang may ari ng tinig na iyon, napakaganda niya tignan, kahit napaka simple lang ng suot niyang black jogging pants and green t-shirt.
Sorry po ma'am nalibang ako sa pagttraning at nawala sa isip ko ang oras, pagbibiro ko.
Hmmp pinagdala ko ng pagkain si tintin, sumabay kana para magkalakas ka sa pagtuturo. Dami mo palusot! Sagot ni Ms Diaz.
Nakakahiya naman at nag-abala ka pa, ngiti mo palang busog na ko. Biro ko ulit.
Aaayyyyiiiieeee!!!
Kantyaw ng mga player ko.
Hayy naku Mr phantom gutom lang yan, kumain na kayo ni tintin. Sagot ni Ms diaz.
Kumain kami habang nagbibiruan, sobrang saya ang naidudulot sa akin ni Ms Diaz, kaya plano kong suklian lahat ng ito.
Matapos kumain at magpahinga, tinipon ko lahat ng mga players ko, konting lecture at advise ang ibinigay ko sa kanila, pinauwi ko na din ng maaga ang mga player ko.
Girls paki ipon lahat ng bola at paki lagay ng maayos sa H,E room,
Boys paki kalas ang net.
Matapos niyan pwede na kayong umuwi at babawi tayo ng training sa Monday. Sabi ko.
Ohh di ba 3pm pa dapat dissmisal niyo. Tanong ni Ms Diaz.
Oo kaso may lakad ako ngayon, kaya babawi nalang ako sa Monday.
Aahh may lakad ka pala.pagtataka ni Ms Diaz.
Oo ee, salamat nga pala sa napaka sarap na tanghalian. Sabi ko.
Nakita ko nagbago ang expression ng mukha ni Ms Diaz sa sinabi ko, tumalikod at naglakad papuntang H,E room para kuhanin ang gamit ko.
TINTIN TARA UMUWI NA TAYO!! Tinig ni Ms Diaz nahalatang iinis.
Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit natutuwa akong asarin muna ang taong mahal ko bago ko pakiligin.
Naglakad ako palabas sa gate ng school inabutan ko pa si Ms Diaz na kausap ang ibang player ko.
Sir waHmm hmmmmmp hmmm hmmm tinig ni tintin habang nagsasalita at tinatakpan ni Ms Diaz ang bibig.
Ohh may hinihintay pa ba kayo? Team ingat sa pag uwi wala ng gagala. Una na ako sa inyo Ms diaz. Sabi ko.
Kitang kita ko ang inis sa muka niya, habang nakangiti naman ako tumalikod at naglakad sa sakayan pauwi sa bahay.
2:30pm na ng makauwi ako, agad kong hinanap ang pinaka maayos ko damit at pantalon, naligo ako at nag ahit ng bigote at balbas. Naghilod ng mabuti para maging presentableng tignan.
Nag bihis at nagpabango ng konti humarap sa salamin at sinabing. Kaya mo yan!!
Matapos ko mag ayos lumabas ako ng bahay at sumakay ng tricycle papunta sa toy store, kinuha ko muna ang ipinabalot ko regalo para sa pamankin ni Ms Diaz. Nalakad ako papunta sa flower shop, tyempong may promo sila na, pwede ka mamili ng kung anong ilalagay nila sa isang bugkos na bulaklak. Pumili ako at inayos ng assistant ang bulaklak matapos maisaayos ang bulaklak ay binayaran ko na ito.
Medyo malaki ang pagkakaayos ng bulaklak Hindi kayang takpan ng dala ko regalo, kaya halos lahat ng nakkasalubong ko nakatingin sa akin.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy maglakad sa sakayan ng tricycle, para magpahatid sa bahay nila Ms Diaz.
3:45pm ng makarating ako sa kanila.
Grabe ang Dami ng tao sa gate nila na nanonood ng children's party.
Ilang minuto ako tumayo sa gilid ng gate at nag ipon ng lakas ng loob para pumasok.
Hindi naman ako napapansin ng mga tao dahil busy sila sa panonood sa clown.
Bahala na!! Kaya ko ito!! Sabi ko sa sarili ko.
Nakayuko Kong hinakbang ang mga paa ko papasok ng gate nila Ms Diaz, Hindi pa ako lubusang nakakapasok ng biglang..
BAYAW!!!!!!
isang malakas na sigaw ang narinig ko at ng lingunin ko kung sino yon, si kuya billy pala.
Lumapit siya at sinalubong ako.
Kuya eto po pala regalo ko Kay Mariz, sabi ko.
Naku nag abala ka pa. Akala ko Hindi ka na pupunta, sabi kasi ni bunso at ni tintin may lakad ka daw. Tanong ni kuya billy.
Binibiro ko lang po sila. Sagot ko.
Hala ee yang bulaklak Kay mariz din ba yan? Tanong ni kuya billy.
Hindi po, para po ito kay Ms Diaz.
Nestor!! Nestor!! Nasan si bunso? Kanina ko pa Hindi nakikita yun? Tanong ni kuya billy sa kapatid.
Nandun ata sa bahay kanina pa may Toyo. Sagot Ni kuya Nestor.
Lakad puntahan mo na si bunso baka sakaling mawala toyo kapag nakita ka. Utos ni kuya billy.
Sige po salamat po. Sagot ko.
Lumakad ako at pumunta sa harapan ng bahay ni Ms Diaz. Binaba ko muna ang bulaklak na upuan na malapit sa pinto nila.
Tok!! Tok!! Tok!!
SINO YAN? pasigaw na tanong ng tao sa loob, kahit Hindi ko nakikita alam Kong tinig iyon ni Ms Diaz kaya kumatok ulit ako.
Tok!!! Tok!!! Tok!!!
SINO BA KASI YAN?? sabay bukas ng pinto.
Nagulat ako sa suot ni Ms Diaz na maikling short at white plain T-shirt. Sobrang kinis ng mga bilugang hita niya, bakat ang kulay green na bra dahil may kanipisan ang suot niyang T-shirt.
Sa sobrang paghanga ko sa kanya hindi agad ako nakapag salita.
Ohh napadaan ka ata? Di ba may lakad ka? Tanong ni Ms Diaz.
Ahhh opo dito po yung lakad ko, Hindi niyo naman po kasi tinanong sa akin kung saan ako pupunta. Sagot ko.
Ahhh nang inis ka na nga kanina, namimilosopo ka pa ngayon?? Pagalit na tinig ni Ms Diaz.
Maam galit po ba kayo? Eto po baka sakaling gumaan ang pakiramdam niyo. Sabay abot ko ng isang bugkos na bulaklak. Nanlaki ang mga mata niya at nag iba ng expression ang mukha niya ng makita ang hawak ko, yung kaninang simangot ay unti unting napalitan ng mga ngiti sa mapupula niyang mga labi.
Tinanggap niya ang bulaklak at pinapasok ako sa loob ng bahay nila.
Upo ka muna diyan magpapalit lang ako ng damit at doon tayo kakain kila kuya billy. Wika ni Ms Diaz.
Naupo lang ako at naghintay ilang minuto ang nakalipas lumabas siya ng kwarto at ewan ko ba kung paano niya nagagawang dalhin ang simpleng damit pero lumutang ang ganda niya.
Tokong pants na white na my stipe na blue sa gilid at black T-shirt na may logo ni spongebob, naka pusod ang buhok at walang kahit anong kolorete sa muka.
Sobrang natulala ako sa kanya, siya yung tipo ng babae na hindi mo agad mapapansin, pero habang tinititigan mo lalo siya gumaganda.
Isipin niyo nalang pag pinagsama ang muka ni Nikki gil at lovi poe tapos katawan at height ni Colene Garcia.
ang kalalabasan si Ms ***** Diaz.
Oi nakatutulala ka na naman diyan. Tanong ni Ms Diaz.
Ahh ee sobrang ganda mo kasi. Sagot ko.
Sus gutom lang yan, tara kila kuya billy para makakain ka na. Pambabara ni Ms Diaz.
Lumakad kami at pumunta sa bahay nila kuya billy, sa likod bahay na kami dumaan dahil maraming bata at matatanda sa harapan ng bahay ni kuya billy.
Nang makapasok kami sa loob, nagulat ako ng makita ko kung sino ang nakaupo mesa at nakatitig sa akin ng masama..
No comments:
Post a Comment