Sa isang madilim, makalat at magulong kwarto, pupungas pungas na bumangon si Carl, unti unting minulat ang mata, humikab at diretsong tumungo sa harap ng Computer, wala.. wala pa ring bumibili ng mga item na ibinebenta nya sa isang Online Game. Agad na isinuot ng 23 anyos na binata ang boxer short nya dahil sanay syang matulog ng naka brief lang at diretsong tinungo ang kusina, sa labas ng kwarto nya ay tila isang paraiso para sa kanya, natupad ang pangarap nya, ang pag hihirap nya ay nagbunga na.
Hanggang ngayon ay hindi pa din sya makapaniwala na ang lahat ng ito ay naipundar nya, napakabata nya para humawak ng libo libong salapi, at lahat ng ito ay dahil sa galing nyang sa larangan ng pagpipinta. Biggest break nya ay ng makilala ang obra nya ng isama nila ito pang exhibit, natipuhan ng isang Kano at ng gabing yun ay personal syang nakahawak ng sampung libong piso. Simula noon ay sunod sunod na ang swerte nya, hanggang sa heto na, may sariling bahay na , kasama ang Nanay nya at ang Ate Trisha nya.
Nakangiti namang sinalubong ni Aling Maris si Carl, masakit man, pero tinanggap na ng Ginang na kinain nya ang mga sinabi nya sa anak nya na hinding hindi mag kakaroon ng future ang binata sa pagpipinta ng itakwil nito ang kursong edukasyon, hindi na kasi nag tangkang magturo ang binata, tinapos lang nya ang kurso at humawak na sya ng Brush, nadiskubre ng isang artist sa lugar nila, isinama sa mga workshop, hinasa at tinulungang umangat sa buhay, real talent daw ang nakita nya sa binata, tipong inborn na sa binata ng pagiging mahusay.
Ang Ate Trisha naman ni Carl ay busing busy sa pag lalaro sa 1 taon nitong anak na lalaki, 27 yrs old na si Trisha, ang asawa'y nasa ibang bansa,kaya taga alaga muna sya ng anak habang di pa sya binibigyan ng asawa nya ng hudyat para bumalik na ulit sa trabaho nito sa opisina. Sa madali't sabi, panatag na ang buhay ni Aling Maris, bagamat wala na ang asawa nya, masaya naman sya na ang mga anak na nya ang ngayo'y tumutulong sa kanya, isa na lang ang kulang ,ang makita nya ang anak nyang binata na mag uwi na babae sa bahay nya, bahay nila.
"sus, di yan, Ma, bading yata yan si Carl," biro ni Trisha ng mapag usapan nila ang tungkol sa pag gegerlpren ni Carl.
"bading? bading na agad yun? di ba pedeng nag paplano lang?" kaswal na sagot ng binata at nag tawanan naman ang dalawang babae, sumabay din sa tawa si Baby Pen.
"kita mo pati pamangkin mo pinagtatawanan ka" dagdag pa ni Trisha.
"hindi ako nag mamadali noh, pero kung makita ko na sya, iuuwi ko sya dito at isasampal ko sya sayo Ate" ganti ng binata at sya naman ang tumawa.
"aba,bastos to ah" sagot ni Trisha at nakitawa na lang.
Sa gitna ng tawanan nila ay biglang sumingit ang Maid nila.
"Mam, may nag hahanap po ke Carl" ika nito.
tila napaisip naman ang binata, umagang umaga, sino kaya mag hahanap sa kanya e alam nyang nasa Europe si Ka Rene, ang lalaking nakadiskubre sa kanya.
Dali daling nag suot ng pormal na damit ang binata at saka nilabasan sa salas ang bisita nya, nanlaki ang mata nya at di makapaniwala sa nakita.
"oy tol, musta" sabay sabay at tila nag uunahan pa sa pag sasalita ang tatlong pamilyar na mukha kay Carl.
Si Aris, Bernard at Drei, ang mga highschool classmate nya at tropa nya ng buuin nila ang Team ABCD,
"wag na tol, wag mo ng ipaalala ang ABCD" ika ni Aris.
"oo tol, kinalimutan na namin yan, sobrang Loser tayo nun," sabi ni Drei.
"naalala nyo ba nung tayo ang pinaganap nila bilang mga taong unggoy nung dula dulaan natin" ika ni Bernard
"kasi mukha daw tayong mga unggoy" sagot ni Carl.
"at kahit kelan hindi tayo nagkaroon ng gerlpren nun" si Drei
"haha tama na yan mga tol, move on na tayo sa mga ganyan, ikaw kitams ..lespu ka na" turo ni Carl kay Aris.
"oo tol, ako by next year going abroad na at si Drei, Engineer na yan tol kakapasa lang." dagdag pa ni Bernard.
"wow, talaga" tila di makapaniwala si Carl sa mga narinig , ang mga kaibigan nyang inaalipusta dati kasama nya sa Campus e magaganda na ang buhay ngayon.
"sobrang saya ako sa nyo tol, group hug , group hug" ikaw ni Carl at bumalik ang dating alaala nila ng mga high school pa sila.
"GAY.." bulong naman ni Trisha ng makita ang apat na nagyayakap.
"e tol , ikaw? ano ka na ngayon, tinuloy mo ba ung Pag teteacher mo?" usisa ni Aris
di naman sumagot si Carl,nakangiti lang ang binata pero kita mo sa ngiti nito na nagmamalaki sya.
"oo tol, hindi ka namin mahanap sa Facebook, tas ung bahay nyo, lumipat na pala kayo," ika ni Drei.
nakangiti pa rin si Carl.
"alam ko yang ngiti nayan Carl," ika ni Aris, nagkatinginan ang tatlo at sabay sabay nanlaki ang mata sa naisip.
"as in tinuloy mo talaga, iba ka tol," ika ni Drei,
"e wala,,sinwerte lang tol,"sagot ni Carl.
"yung mga iba kaya, kumusta kaya ung mga batch natin" sabi ni Aris, agad naman tumalima si Bernard,
"tol oo nga pala, nag teks sakin kahapon si Aira, may reunion daw, this weekend gagapin, sa school,tas overnight, diretso piknik.
Tila tumigil saglit ang mundo ni Carl, bumalik ang lahat ng marinig nya ang pangalang Aira.
Highschool... habang ang tatlo'y tila di malaman ang tuwa na ipag malaki ang sarili sa buong batch, Reunion, ang way para ipagmalaki mo kung ano ang narating mo after years na di kayo nagkasama sama, at handang handa na ang Team ABCD dito.
"tol, favor lang" ika ni Carl.
"ano tol, " si Aris..
"wag nyo ipaalam sa lahat kung ano ang narating ko, " sagot ni Carl, di naman maintindihan ng tatlo kung para san at ano ang dahilan ng binata, pero masyado silang masaya para pag aksayahan pa ng oras kung ano ang naiisip ni Carl, go with the flow,tutal kaibigan nila ito..
TBC
No comments:
Post a Comment