ROMA
Part 18
Magkahalong amoy na ng usok at alak ang bumabalot sa loob ng kubol ni Mr. Valdez. Kung sisilip ka sa loob ng kwarto ay hindi mo iisipin na nasa loob ka ng bilibid at mga preso ang nasa loob ng kubol.
Nasa labing dalawa ang lalaki sa loob ng kubol. Nagiinuman at nagtatawanan ang karamihan dito samantalang ang iba ay wala ng reaksyon at halatang sabog na sa ipinagbabawal na gamot.